mixture of my mind
ano daw?
sino ka?
e-mail mo?
anong point? (smilies)
Powered By: dEkap.Com




























 
::contact:: Oral Sex Donations Accepted

<< current













 

::my past life diagnosis:: You were female in your last earthly incarnation. You were born somewhere in the territory of modern Sumatra around the year 1675. Your profession was that of a seaman, cook or carpenter. Your brief psychological profile in your past life:As a natural talent in psychology, you knew how to use your opportunities. Cold-blooded and calm in any situation.The lesson that your last past life brought to your present incarnation:The timid, lonely and self-confident people are everywhere, and your task is to overcome these tendencies in yourself and then to help other people.






























solitar
 
Saturday, January 25, 2003  
ganun nga siguro kaibigan. naipahayag mo pa yata nang mas mabuti sa tagalog ang katotohanang alam na nang halos lahat. nasisiguro kong marami-raming kritiko ang babatikos o malamang sumang-ayon sa lahat ng mga ito. dahil madali lang maranasan ng mga taong naghahanap ng pag-ibig, o kaya sa tingin nila'y kaya nang magbigay. at malamang naranasan na nila ito...gaya ko.

isama mo na rin itong tanong ko: anuba talaga meron itong henerasyon natin at parang kahit gaano ang ilaki ng populasyon, para pa ngang lalung pahirap nang pahirap maghanap ng katunayan na marunong ka magmahal? parang kasabay ng pagdami ng tao ang pagdami ng mga nag-iisa AT nalulungkot (at wag ka! karamihan dito'y ang mga taong sa tingin nila ay punung puno sila ng pag-ibig na di mo maintindihan kung kaninung ponsyo pilato ibibigay). Bakit parang noong panahon nila inang at ni ama, nila mommy't daddy, MEDYO mas maayos pa. medyo mas madaling pumili ng kasama. dahil ba medyo mas konti ang pagpipilian at di mo na kailangan pang mahilo sa dami ng pagpipilian? dahil ba NAGKASYA na lang sila sa kung anong makukuha nila sa mga asawa nila? pero mag-asawa pa rin sila! magkasama pa rin sila. masaya pa rin! at oo...nag a-I LOVE you pa rin sa isa't isa. bakit ngayong mga edad natin na dapat eh sa kabi-kabila na ang inaasahan kong magpapakasal, parang dalawa pa lang yata ang nag-iimbita? epekto ba yun ng ekonomiya, o sadyang di lang talaga makakita ng kapareha?

ang naiisip ko kasi, at naiisip ko lang: bakit nga ba hindi tayo matuwa sa kung anumang meron tayo? siguro lang, mas marami nang expectations dahil mas matatalino na ang mga tao ngayon. siguro dahil nag-iba na rin ang mga pananaw sa pag-ibig. o sa kahit na anong bagay. siguro nga rin dahil sa kahirapan ng buhay, medyo nagkakataong hindi pare-pareho ng prioridad. o siguro sadyang kamalasan lang talaga? o wag mo ko kuwestiyunin dahil hindi ko rin maipagtatanggol ito. siguro lang.

nakakatawa nga siguro kung iisipin mo lang...kung padadaanin mo lang sa utak mo na parang hangin ang mga nangyari na at mga nangyayari pa. pero hindi na masyadong nakakatawa. minsan, pag-iisipan mo talaga, no? huwag nga lang sa lahat ng panahon. minsan mare-realize mo, sayang sa panahon. dami mo namang pwedeng magawa at matutunan at maintindihan pa habang naghihintay..

kool ka lang SDBF. darating din yan.
balikan mo ko. =)
hehe





Saturday, January 25, 2003

Comments:
<$BlogCommentBody$>
<$BlogCommentDeleteIcon$> (0) comments
Post a Comment
 
This page is powered by Blogger.